Select Page

Puhon!

Stories of Hope and Bayanihan in the time of COVID-19

March 30, 2020
Choir

Submitted by Mark

“Iniiwan natin saglit ang kinagisnang entablado, ngunit pwede nating magamit ang social media bilang isang entablado para makapagbahagi. Gamitin natin ang kapangyarihan ng sining para makapagpabago.”

Isa akong Conductor ng choir. Noong unang beses na nalaman namin na magkakaroon ng lockdown, nalungkot ako at ang mga members ng PUP Bagong Himig Serenata. Na-cancel ang aming free concert, at mawawalan kami ng chance para mag-rehearse. In short, one month kaming hindi magkikita-kita. Mula noon, umisip kami ng paraan para maging productive pa rin ang grupo at makapag-share pa rin kami ng aming musika. Napaka-challenging gumawa ng music lalo sa kalagayan namin na hindi kami magkakasama. Parang imposible sa isang choir makalikha ng music nang hindi magkakasama. Then, naisip namin na mag-record ng kanta ng Ben&Ben na inareglo ni Sir Arnel. “Leaves” ang napili namin dahil naniniwala kami na magiging okay at maayos din ang lahat. Sabi nga sa kanta, “all will be alright in time.” Amin itong hinandog sa mga frontliners at sa lahat ng mga tumutulong para masugpo ang COVID-19. Naniniwala kaming hindi COVID-19 ang makakapigil sa mga artists para makapagbahagi ng talent. Iniiwan natin saglit ang kinagisnang entablado, ngunit pwede nating magamit ang social media bilang isang entablado para makapagbahagi. Gamitin natin ang kapangyarihan ng sining para makapagpabago. Puhon!

Other Stories of Hope and Bayanihan

Zoom Mass

Zoom Mass

Puhon!Stories of Hope and Bayanihan in the time of COVID-19Submitted by JJ"My friends and I were able to come up with a solution by holding Fr. Ro's mass through an application called Zoom. It allows us to keep an intimate mass experience which feels more fulfilling...

Home

Home

Puhon!Stories of Hope and Bayanihan in the time of COVID-19Submitted by VelCrew"This is how we made home out of rented spaces. We turned it into a community of compassion and care. This is how we found assurance that we and our families are safe. We helped those who...

Nahiya si Kap

Nahiya si Kap

Puhon!Stories of Hope and Bayanihan in the time of COVID-19Submitted by Mav“Dapat malaman ni Kap na malaking tulong na po itong bigas para sa amin at sa mga kabit-bahay naming talagang kapos at nangangailangan.”There was this barangay captain dito sa amin who was...

Share your own story!

Submit Story