Select Page

Puhon!

Stories of Hope and Bayanihan in the time of COVID-19

March 27, 2020
Frontliner sa Loob
Submitted by Anonymous

“Gusto ko ng tumulong. Gusto ko ng makapagtapos. Gusto ko ng maging Registered Medical Technologist o kung papalarin, maging doctor. Gusto ko ng makatulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit.”

Habang nasa biyahe ako papunta sa aking pangarap, napapaisip ako sa mga sinasabi ng tao tungkol sa propesyong aking tinatahak. “Medtech lang” daw ang kurso ko: taga kuha at test ng mga dumi ng tao. Sa sakuna na dinaranas ng buong mundo ngayon, sila ang mga hindi nabibigyang pansin. MEDICAL TECHNOLOGIST. Oo, hindi natin sila madalas nakikita. Hindi sila madalas nakakasalamuha ng mga pasyente. Ngunit ang kaharap nila ay ang mga bacteria, viruses, fungi, parasites, etc. Isa din sila sa mga frontliners ngunit nasa likod ng laboratoryo. Hindi sila “LANG” lang. Dahil kung hindi sa kanila, lahat ng result ay pawang panghuhula lamang. Sila ang mas malapit sa panganib na mahawa sa COVID-19 o anumang sakit dahil yung virus mismo ang kaharap nila.

Habang nakikita ko ang paghihirap ng mga healthcare workers, naiisip ko, “itutuloy ko pa ba to? Kakayanin ko rin ba lahat ng ginagawa nila?”
Sa kabila ng mga katanungan sa aking isipan, isa lang ang nananaig na kasagutan: “Gusto ko ng tumulong. Gusto ko ng makapagtapos. Gusto ko ng maging Registered Medical Technologist o kung papalarin, maging doctor. Gusto ko ng makatulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit.”

Naiiyak ako sa estado ng bansa natin. Gusto kong tumulong pero wala akong magawa. Naniniwala nalang ako na ang panalangin ang pinakamalaking tulong na aking magagawa. Dahil isa lang naman akong estudyante na nangangarap na maging manggagamot.

Isang gabi, habang nanonood ng mga balita, tinanong ko ang aking ina, “Ma, pag ako ba nagpaalam na magvolunteer sa ospital sa kabila ng ganitong sakuna papayagan mo ko?”
Ang kanya namang tugon, “Oo naman dahil sa ganitong panahon ka mas kailangan.” At ganun na lamang ang kasiyahan sa puso ko sa binibigay na suporta ng aking ina hanggang sa susunod na panahong ako’y maging manggagamot. Akala ko isa siya sa mga ina ng mga doctor na gustong magvolunteer ngunit ayaw ng mga magulang dahil delikado.

Habang nagkakaroon ng ganitong krisis sa ating bansa, mas tumitindi ang kagustuhan kong ipagpatuloy ang aking pangarap. Saludo ako sa lahat ng kawani ng mga ospital! Kayo ay isang inspiration.

Other Stories of Hope and Bayanihan

Makabagong Bayani

Makabagong Bayani

Puhon!Stories of Hope and Bayanihan in the time of COVID-19Submitted by Elaine "Maliit man o malaki ay may halaga Mga puso ang nakikita, Pasasalamat na walang hanggan at pagaalay ng panalangin para sa kanilang kaligtasan. Tarang magbayanihan kaibigan."Unang hanay,...

Friendship Fix

Friendship Fix

Puhon!Stories of Hope and Bayanihan in the time of COVID-19Submitted by Trixie"This pandemic also gives a message for us to treasure every moment with our family, friends, and loved ones. To treasure life, and to take care of ourselves and the people around us."I am...

Leaves

Leaves

Puhon!Stories of Hope and Bayanihan in the time of COVID-19Submitted by Gab"As a PUI, I feel the stigma of having this virus. I'd like to believe that I'm okay. That everything is alright. One day, I will see the world again, as beautiful as how Ben&Ben described it...

Share your own story!

Submit Story